Archive for December, 2006

presence of mind

Sunday, December 3rd, 2006

hay, long time no blog. well, maraming bagay ang nangyari these past four days. Una, ang long weekend (thanks reming!!!). ikalawa, bonding with my former choirmates sa post birthday celebration ni pinky. ikatlo, halos tulog lang ako maghapon sa mga araw na iyon. Ikaapat, mukhang magniningning ulit ang aking lovelife, hehe (kaso nasa laguna xa, pero handa raw xa for a long distance relationship :p )

pero xempre, as this long weekend ends, nandyan na naman ang mga bagay na nakakadulot ng anxiety. una, hindi pa ako nakakakuha ng mga readings na kailangan para sa quiz namin ngayon sa pos 53. ikalawa, mukhang wala pa kaming allowance sa oaa. ikatlo, bad hair day dahil sa pagsakay sa trike. at pang-apat, speaking of trike, at ang pinakapunto ng post na ito, ang pag-absent ko s first class ko (psych 101).

hay, halos hindi ako nakatulog kagabi dahil maraming lamok kaya nung maalimpungatan ulit ako ng mga bandang alas-4 ng madaling araw, bumangon na ako at naghanda sa pagpasok. pero dahil sa tatamad tamad ang kapatid ko, alas 7 na ako nakaalis ng bahay. ayos na sana ng makasakay ako kaagad ng fx, kaso bigla namang pumunta sa isang gasoline station para magpakarga ng langis. hay, 7:15 na iyon at hindi pa kami nakakatawid ng tulay. pero ayos naman sya. five minutes lang nasa katips na kami.

at syempre, dahil 7:20 na, imbes na maglakad papasok ng admu, pumila na lang ako sa trike station kahit mahaba pa to. finaly, 7:28 nakasakay na ako ng tricycle. nakasabay ko pala sina angelo at jen so may kakwentuhan.

tapos syempre, medyo traffic din sa katips kaya medyo kabado na lumampas sa ten minute grace period at mamarkahang absent. pero ito na ang masaklap. si manong mukhang nakikinig sa kwentuhan namin ni jen. aba’y lumampas kami ng gate 3. akalain mo yon. mukha ba kaming taga-myriam??? hay bad trip (literally and figuratively). kaya yun, ikot sa may u-turn na lampas ng konti sa gate one ng myriam tapos u-turn ulit bago dumating sa gate 2 ng ateneo at pasok sa gate 3 nito. buti na lang hindi 7:30 ang ground-breaking ng leong hall kung hindi, baka tuluyan na akong hindi nagbayad ng pamasahe at tumakbo na lang ng matuling papuntang socsci building. time check ng mga sandaling iyon, 7:51. so 21 minutes lang naman kaming late. hay manong, may gana pa xang magdemand ng barya. hay.

anyway, lesson-presence of mind.

next time ulit. :p