hay buhay. hay buhay…(malalim na sigh)
habang ginagawa ko itong post na ito, narito ako ngayon sa isang computer shop ang gamemax na malapit sa sto. NiƱo baranggay hall. alas kwatro na ng madaling araw. ilang madaling araw na rin akong ganito. hay buhay. bakit kasi parang sandali lang ang kaligayahan sa akin…
lagi kong napupuyat si ate na tagabantay ng shop. madalas, pag may pera, mula alas-12 ng madaling araw hanggang sa magsara ang cafe ng alas-5 ako nakatambay dito kahit na may pasok. Actually, mas gusto ko tong gawin pag may pasok. lagi kong sinasabi, hanggang alas-2 lang ako, hanggang sa magalas-3, at hanggang sa makipagtawaran na ako kay ate ng hanggang 5.10. hay buhay…
ito, habang nirerewind ko ang kantang fighter ni xtina aguilera, narinig ko ung isang kasamahan ni ate. sabi niya, walang tulugan. hehe. dito pa kasi ako, ang nag-iisang customer. hay, may pasok pa ako mamayang alas 9 ng umaga. hmmm. ok lang naman sa sociology-anthropology teacher ko na malate ako kahit 45 mins. pero hindi niya nirerecord. paano kaya siya naging mapagpasensya ng ganoon? hay buhay, sana lahat ng tao mahaba ang pasensya. (ahem, patama ko yan sa sarili ko)
speaking of maaga pa ang klase ko, hindi nga pala ako pumasok sa lahat ng klase ko kahapon dahil maaga akong nagtulog nung sunday (baligtad lagi sa akin, pag maaga akong natulog, mas late ako nagigising.) ang consequence, hindi ako nakapagpractical serve sa tennis, wala akong kopi ng last lesson na kasama sa quiz at oral exam ko para POS 51 sa wednesday at thurday, respectively, at nagmamadali akong gawin ang trabaho ko bilang sec head sa Pinoy Kemyo. haha. hindi ko pa naiinterview ung mga judges para sa contest eh mamayang alas 4.30 na ng hapon iyon. sorry kim.
hay ito, nagsalaysay lang sandali. medyo serious at deeper thingking mode muna ako ngayon. nabanggit ko na ring pinakikinggan ko ang fighter ni xtina aguilera, naisip ko na aplikable siya sa buhay ko. (4.12 am na) ako si xtina sa kanta sa konteksto ng aking ama, tito, at iba pa. pero bakit parang hindi ko namalayan noon na ako ang pinasasalamatan ni xtina sa kanta niya? akala ko ako ang nasasaktan. akala ko ako ang nagsasakripisyo. pero ako ang nananakit at ako ang nagpapataw ng pasakit sa iba. gayun pa man, habang tinatype ko ang mga salitang ito, wala ng sakit sa aking dibdib. kasi bago ko maisip na isulat ito, naiiyak ko na siguro lahat. at siguro, kasi pinipigilan ko ng maramdamang muli ang lahat ng sakit.
una, nawala si father. ikalawa, nalayo sa akin sina mother at siblings. ikatlo, naramdaman kong wala na sa akin ang mga kaibigan ko nung high school. ika-apat, hindi ako close sa mga kapitbahay ko at mga kamag-anak. ikalima, hindi ko na yata makakapiling ang mga kachoir ko. ikaanim, mukhang nawawala na sa aking mga paningin si m***. wala na siguro akong pag-asa muli sa kanya. at ikapito, ang mga taong akala ko ay magiging kapalagayang-loob ko ng husto sa pamantasang ateno ng maynila, ang aking mga blockmates at schoolmates, lahat parang ayaw sa akin.
hay buhay isang jake riel e. ogana. sana mayroong isang tao na makakapasok sa aking mga mata, as in literal, kahit isang araw, para makita niya kung ano ang mga ginagawa kong pagkakamali. tapos pag lumabasa na siya, sabihin niya sa akin ang mga kabulastugan ko at ng mabago.
ang isa ko pang kuro-kuro, nais kong kumawala sa lahat ng nabuksang-daan sa aking pagkatao, partikular sa paraan ng aking pag-iisip. marami kasing pagkakataon na nagkakasabay-sabay na bumukas ang mga daan at nalilito na ako kung saan dadaan. hindi ko kayang gamitin lamang ang isang daan. nais kong humanap ng daanang walang nakahalong kultura, walang nakabadyang mag-isip ng anumang teorya sa pag-iisip. nais kong hanapin at maranasang walang iniisip muna. nakakapagod na kasi. ewan ko lang. pero feeling ko minsan, alam ko na ang lahat pero hindi ko masabi. parang lahat ay nasa isipan ko lang na hindi ko pwedeng isagawa. kaya feeling ko minsan, gusto ko ng kitlin ang aking buhay. pero, hindi naman natutuloy kasi hindi ko nga mahanap ang tinatawag kong daan ng kawalan. marahil sasabihin ng ibang tao na magpakabobo ako, na magpakatamad-tamad ako, pero kahit naman gawin ko ito, sa bandang huli marerealize kong mali ang mga ginawa ko. ang gusto kong daan sa ngayon ay yaong wala ng justification na iisipin kahit na sa huli. ah ewan.
"i heard, you’re going round, playing the victim now, but don’t even begin feeling i’m the one to blame cause you dug your own grave."- parang xtina lang
pero favorite ko talaga ung message ng kanta. hay daddy, hay mommy, hay sister, hay brother, hay highschool friends, hay sn choir, hay j*****, hay ateneo. "the one i won’t forget, cause i, i remember, i remember, i remember….thanks for making me fighter."
PS: pasensya na kung walang organization, coherence at kung diffused ung thought (pero promise, meron yan. hehe)
PS2: ilang ulit ko ng pinapatugtog ang fighter. comment lang kay xtina, para siyang asian sa video na ito lalo na dun sa second stanza. hehe
PS3: wala na naman akong tulog pero ok lang. miss ko na si xtina eh. hehe
PS4: magcomment naman kayo
adios, patria adorada!!!
:S